Opening Statement of Senator Risa Hontiveros on Pre-SONA Kapihan sa Senado with Senate Media
July 17, 2023
Opening Statement of Senator Risa Hontiveros on Pre-SONA Kapihan sa Senado with Senate Media
UNITY is nothing but a hollow facade. Ito lang ang napatunayan ni Presidente sa unang taon nila sa Palasyo.
Napakabango ng salitang "unity" noong eleksyon - para bang ipinasasantabi sa mga Pilipino ang lalim at lawak ng mga problemang kailangan tugunan, para lang masabing magiging maayos ang lahat basta't may pagkakaisa.
Matapos ang isang taon, nabunyag ang totoong anyo ng "unity'. Maliwanag na ginamit lang ito para ipagkaisa ang mga makapangyarihan at manalo. Sino ba naman daw ang makakatalo sa tambalang Presidente at Duterte?
Ngunit, tila sila-sila lang ang nakaramdam ng resulta ng pagkakaisang yan. Ang "unity," para sa karaniwang mamamayang Pilipino, ay hindi nakababa ng presyo ng bilihin. Hindi nakapagparami ng trabaho. Hindi naahon mula sa resesyon at pandemya ang pamilyang Pilipino.
All what the administration continues to do is mask the very real, valid problems of the Filipino people and repackage them into messages of false positivity. Hindi narin nakakagulat bilang "best in historical revisionism" naman ang legasiya ng liderato.
ECONOMY
Kaya hindi na rin bago na nitong mga nakaraang linggo sunud-sunod ang "glowing press releases" ng pagpapasinaya ng iba't ibang government projects.
Masisilaw ka sa mga inilabas na programa gaya na lang ng pagpirma niya sa Agrarian Emancipation Law, pagtutulak sa Renewable Energy, at sa sinasabing best in decades daw na pagdami ng trabaho. Pero not all that glitters is gold. Magiging tanso lang ito lalo na kung ningas-kugon at walang follow through sa mga proyektong ito.
Hayahay, laidback si Presidente samantalang urgent dapat ang tugon sa inflation, unemployment, kahirapan, mataas na bayarin, lalo na korapsyon.
Smuggling landed too close to the President's door step. The President is in the picture this time, at hindi lang ang mga mababang opisyal. Lumala pa nga ang state-sponsored agricultural smuggling. Ngayon pwede nang piliin ng Malacanang ang importers at mag-import ng asukal kahit walang sugar order. Dahil sa VIP treatment sa mga cartel, naging pinakamahal sa mundo ang sibuyas at asukal nating mga Pilipino.
Nakakakaba at kailangang bantayan dahil pwede rin itong mangyari sa iba pang bilihin at bayarin natin -- sa kuryente halimbawa. Pilipinas pa rin ang isa sa mga bansa sa ASEAN na may mataas na singil ng kuryente. Paano ba naman bababa ito kung walang aksyon laban sa mga monopolyo sa energy sector na gustong solohin ang bayad ng konsyumers at hinaharang ang pagpasok ng mas murang renewable energy sources?
Mas mababa ng kaunti ang populasyon ng Vietnam sa Pilipinas, pero triple ng sa atin ang supply nila ng kuryente. Tayo, maaaring magkaroon ng yellow at red alert anumang oras. Parehong may copper at nickel ang Indonesia at Pilipinas -- pero mas mura ng 40 percent ang kuryente ng Indonesia sa Pilipinas na kailangan para ma-proseso ang mga minerals na ito.
Gusto nating marinig sa Presidente: Ano ang gagawin para habulin ang naging napakabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin habang usad-pagong ang pagtaas ng kita at hindi nadagdagan ng disenteng pagkakakitaan.
Dagdag pa dito, balita ko ay hindi pa rin nilalagyan ng budget ang PUV Modernization at ang Pambansang Pabahay kahit sa 2024. Kailan kaya mase-certify as urgent ang mga concern na ito? Inuna pa talaga ang Maharlika bill.
Huwad din ang ipinagmamalaking best in decades na employment generation. Jobs-of-last resort pa rin ang klase ng mga trabaho na nagbukas para halimbawa sa 600,000 na Pinoy (ayon sa latest PSA Labor Force Survey) na piniling iwanan sa agriculture sector sa unang taon ng Administrasyong ito. Hindi pa natin makita ang ipinagmamalaking mga trabaho na malilikha sa sinasabi nilang drivers of growth.
Ang ating mga magsasaka ay isa din sa mga dapat tunay na pagtuunan ng pansin. Masaya ako para sa mga magsasaka natin na benepisyaryo ng Agrarian Emancipation Law. Noon pa man, I voted for the idea of debt forgiveness for our Agrarian Reform Beneficiaries.
Hindi lang sila dapat lumaya sa utang; dapat lumaya rin sa kahirapan. Dapat may follow through sa batas na ito. Gusto kong marinig kay Presidente kung paanong tunay na uunlad ang mga maliliit na magsasaka at paano sila makakahatak ng kapital para kayang makipagsabayan sa malalaking negosyante.
Isa sa pinaka-obvious na pagkukulang ng Pangulo ay ang pagiging concurrent DA Secretary. Walang maipagmamalaki ang DA sa ngayon. Mas nakasama sa halip na nakabuti -- he has done more harm than good.
At babalik at babalik nanaman tayo sa usapin ng smuggling na tila ay may basbas ng administrasyon.
Okay lang ang importasyon lalo na kung tama ang timing at sakto lang para punan ang kulang na supply. Pero hindi ganyan ang nangyari sa nakaraang taon. May mga nagpuslit ng imports sa panahon ng anihan, pero sa halip na pigilan ay sinundo pa ng wang-wang, at dinala sa Malacanang para magpa-picture kasama ang Presidente.
HUMAN DEVELOPMENT
Sa dami ng napabayaan at kailangang gawin ng Office of the President, dagdag pa sa pagiging Sec of Agriculture, nakakadududa at nakapagtataka ang patuloy na pagtatangkang isailalim ang PHILHEALTH sa kontrol ng Pangulo.
The move is not logical. It will expose our national health insurance system to political patronage. PhilHealth is designed to provide financial protection to realize universal healthcare, dapat manatili ito sa ilalim ng public health authorities.
Education and health are two of the most urgent points of recovery for the country post-pandemic, even affecting the economy. Recovery is an illusion without appropriate and urgent action in these sectors.
Mali ang prayoridad ng Pangulo. In education, English and ROTC will not solve the deep learning and literacy crisis; the President must convene departments for an aggressive and collaborative whole-of-government approach to education, and oversee quality spending of the budget.
Many students, teachers, health care workers are burnt out. Marami ang naiiwan at nadedehado dahil sa inequitable distribution of benefits and support. Mabigat na epekto sa serbisyo at ekonomiya. Kaya hindi pwedeng business-as-usual.
The President should make local work conditions attractive by spearheading an increase of salaries & fast-tracking health emergency allowance owed to health care workers, and incentives for teachers. The lack of support for our healthcare workers and teachers has dire consequences on the quality of healthcare and education.
Mas pinagtutunan ng pansin ng DepEd ang pag-alam at pagbusisi sa kasapian ng mga unyon at asosasyon ng mga guro. It creates an environment of fear and anxiety for overworked and underpaid teachers who rely on unions and associations to demand better working conditions. Kinukumpromiso ang kaligtasan at seguridad, at academic freedom nila.
GOOD GOVERNANCE
We also cannot talk about the President's without talking about corruption and human rights violations.
After touting human rights to the world, wala pa ring urgent action sa mga biktima ng war on drugs, wala pa ring urgent action sa drug-related killings na nangyayari pa din. The drug war, the biggest cause of human rights violations during Duterte's time, isn't a priority in this administration, as the President did not mention it at all during his maiden SONA.
Napakarami nang imbestigasyon sa Senado na pwedeng makatulong sa pagsugpo ng korapsyon pero deadma pa rin ang Pangulo. Recently, the Senate investigated irregularities around what is touted to be the biggest seizure of illegal drugs in the country, confirming that former and current high-ranking officials of the Philippine National Police were involved in covering up the P6.7 billion worth of shabu.
Kung talagang ang "unity" ang sinasabi nila ay para sa mamamayan at hindi lang para sa tandem ng mga pamilyang Marcos at Duterte, patunayan dapat ito ng Pangulo sa pamamagitan ng pagbibigay-hustisya sa mga biktima ng karumal-dumal na war on drugs.
Naipamana din ni Duterte kay Presidente ang problema natin sa POGO. Ilang beses na rin napatunayan sa Senado na puro krimen lang ang dala nito sa ating bansa kaya't dapat palayasin na.
There have been no definitive statements about kicking POGOs out of the country from the President kahit pinakita na namin sa Senate Committee on Women na ginagamit lang ang mga POGO bilang smoke screen para sa mga "scam hubs" sustained by human trafficking in persons, hindi lang dito, but across the ASEAN region.
Maaring maitanong muli: May mga kapit kaya itong mga POGO players sa mga opisyal natin sa gobyerno? Bakit tahimik si Presidente dito? O takot ba siyang galawin ito dahil winewelcome sila with open arms ng dating administrasyong Duterte?
DEFENSE, FOREIGN AFFAIRS
Isa pa sa pinalala ng dating administrasyon ay ang pagpapaka-bestfriend niya sa Tsina. Pero nakita natin na itong kasalukuyang administrasyon ay tila lumalayo sa Tsina at mas lumapit sa US at iba pang karatig bansa.
Even if this pivot towards the larger international community is for real, hanggang ngayon, wala paring tayong narinig sa Presidente na tahasang pagtutol niya sa paulit-ulit na pambabastos ng Tsina sa ating soberanya.
Nitong nakaraang linggo lang, ni hindi naglabas ng pahayag ang Malacanang sa anibersaryo ng ating makasaysayang pagkapanalo sa The Hague. Pagkatapos mag-statement ang Chinese Embassy sa kanilang pagbasura sa ating tagumpay sa Arbitral Ruling, wala man lang kibo ang Palasyo? The silence is deafening.
Ilang beses nang hinarangan ng Chinese vessels ang mga resupply mission ng ating coast guard at Philippine Navy. Kung magtuloy-tuloy ang mga ganitong pag-blockade ng Tsina sa ating mga resupply mission, mistulang pinapatay nila sa gutom ang mga tropa natin sa West Philippine Sea.
Kaya napakahalaga na categorically sabihin ni Presidente na itinataguyod nila ang ating tagumpay sa The Hague ruling upang lalong mabigyan ng political at executive support yung Philippine Navy sa pagpapatuloy ng kanilang misyon.
Sa parating na SONA, gusto kong makarinig ng maliwanag, maayos at konkretong mga hakbang na gagawin ng ating bansa para tunay na tumindig laban sa Tsina.
WOMEN AND GENDER
Bilang Chairperson ng Senate Committee on Women, hindi rin dapat kaligtaan ng Presidente ang pinakabulnerable sa ating lipunan, lalo na ang kababaihan, kabataan, at ang LGBTQIA+ community.
Umaasa parin ako na suportahan ng Presidente ang SOGIE Equality Bill. Noong eleksyon, nasambit nila na they would advocate for laws that would protect members of the LGBTQIA+ community. Ngayong Presidente na siya, ano na?
Huwag din sanang kalimutang bigyang-diin ng Presidente ang kapakanan at karapatan ng ating kababaihan. Hindi tuluyang aangat ang Pilipinas kung kalahati ng ating populasyon ay naiiwan.
Marami pang mga panukalang batas para sa ating kababaihan ang nakabinbin sa lehislatura, tulad ng Teenage Pregnancy Prevention bill at ang Gender Responsive and Inclusive Pandemic Management Act.
Hindi lingid sa atin na ang batang pagbubuntis ay isang social epidemic na kailangan nang lutasin. Napakaraming batang babae ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral o hindi nakakakuha ng trabaho o di kaya'y napapahamak ang kalusugan dahil walang sapat na suportang naibigay kapag sila ay maagang nabuntis.
Kalakip dito ay ang patuloy nating pagsulong sa Gender Responsive and Inclusive Pandemic Management Act, kung saan ma-iinstitutionalize ang pagkakaroon ng gender lens sa ating pag-responde sa anumang national emergency.
Kitang-kita nitong pandemya na triple ang hirap na naranasan ng kababaihan - mula sa paglala ng domestic violence hanggang sa kakulangan ng sexual and reproductive health access. Kaya naman dapat lang na naka-angkla na sa ating mga polisiya ang mga natatanging pangangailangan ng bawat babae saan man tayo sa Pilipinas.
I hope the President's SONA is centered around the most vulnerable among us, the poor, the jobless, the historically discriminated against, our women, and our children. Tila ni walang plano para sa mga sektor na ito sa nakaraang SONA, kaya dapat sa Lunes, meron na.
Ilan lang po ito sa mga gusto kong marinig sa SONA ng Presidente. Madaling magsabi na may ginagawa, pero mahirap patunayan.
May limang taon pa naman si Presidente. Maswerte sya sa unang taon niya dahil kahit wala halos tayong exports o foreign investments ay laging andyan ang kita ng mga OFWs at BPO workers natin, nandiyan pa rin ang tax natin na panustos ng infrastructure programs at naging masigla na ulit ang turismo pagkatapos tayong ikulong sa bahay ng pandemya. Sa susunod na dalawang taon magpapatuloy na bahagyang lalaki ang ekonomiya dahil may panggastos pa ang Pilipino.
Opportunities are clinched only by the prepared country, otherwise investments and tourists and talent (even our own!) will go to Vietnam or Indonesia or to other parts. Ano ang plano ng Pangulo sa mga scenario na ito? Isang taon na ang nakalipas, magtrabaho na tayo.
Sa darating na SONA, inaasahan ko ang isang detalyado at tapat na paglathala ng sitwasyon ng ating bansa.
Alam kong may ibinahagi silang bagong "brand of governance" na tinatawag nilang "Bagong Pilipinas." Talagang nauna pa lumabas yung logo ng Bagong Pilipinas kaysa sa totoong pagbabago.
Sana naman huwag puro branding at pagmamalinis ang atupagin ng administrasyon. Before the President characterizes his administration as one that is "principled, accountable, and dependable," he should first ensure that we have a genuinely honest and effective government.
"Unity" man o "Bagong Pilipinas," no amount of branding can substitute for systems and institutions that truly level the playing field; no amount of branding can guarantee the end of economic inequality; no amount of branding can ensure that the wealth and progress of our country is felt by all, not only by a few.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
